Lumaktaw sa pangunahing content

TULA PARA SA PILIPINAS


“Bansang Sinilangan”
Malayang Tula ni: Maria Yvonne S. Garcia

Pilipinas ang aking bansang sinilangan
mayaman ito sa mga likas na yaman
ito’y may mga isyung kinakaharap
gaya ng taong namomroblema

Maliit man ito sa kanilang paningin
nagbibigay ito ng magandang tanawin
Buong mamamayan ay nagkakaisa
nag-aalay ng buhay para sa bansa

Taglay nito ang mabubuting tao
hindi lang gwapo, may mabuting puso
malugod na tumatanggap ng bisita
gumagamit ng salitang “po” at “opo”

Pilipinas ay lason na nakakasira para sa iba
O Pilipinas patunayan mo sa kanila
na iba ka sa iniisip nila
at hindi tama ang kanilang husga


“Magandang Kinabukasan”
Malayang tula ni: Heinz Zaulda

Sa bansang puno ng gulo at gyera
Tayo na at magkaisa
Pilipinas ay ating iangat
Ating patunayan na mga kalaban ay mali

Ating bansa ay di sing ganda ng Amerika
Meron naman tayong mga mamamayan na wala sila
Sa mga oras na tayo’y kanilang minamaliit
Tayo na may ganahang mas lumaban

Ating bansa ipaglalaban
Tungo sa magandang kinabukasan
Ating mga mata’y buksan
Upang kasamaan ng iba’y ating masilayan

Sa ating bansa na ngayo’y nag-aagaw buhay
Wag nating hayaan, mga kababayan ay mamamatay
Sama-sama tayong humakbang
Tungo sa daang maraming kalaban ang nakaambang.
“Pilipinas”
Tula ni: Kenneth Castel
  
O kay ganda ng pilipinas
Maraming pulong napakalaki
Kulang ang isang araw upang maipakita
Ang taglay nitong ganda
  
Aming ipinagmamalaki ang mga
Nagsising gandahang pista dito
Kailangan mo lang ng konting oras
Para maibahagi namin ang ganda
  
Nag-aalab an gaming mga puso
Para kayoý aming tanggapin
Ang kislap n gaming mga mata
Sainyoý lagging nakasulyap

“Mas masaya sa Pilipinas”
Tula ni: Renfred Rivera

Ang pilipinas ay isang magandang bansa sa asya
At ito ay binubuoo nang madaming isla

Ito ay may tatlong malaking isla
na ang Luzon, Visayas, at ang Mindanao.

Mayroon kaming masasarap na pagkain
tulad ng Puto, Suman, at iba pa.

Ito rin ay isang bansa na may madaming lugar
na ang mga tourista ay pumpunta para makita
katulad ng Chokolateng burol, bulkan taal at iba pa.

“Alab Ng Ating Mga Puso”
Malayang Tula ni Russel Ramos

Puso ng nagmamahal sa ating bansa
Pilipinas ang pinagmamalaki sa ibang lungsod

Puso’y nating Lumoliyab sa kalayaan
Pinagmamalaki at pinapamalas sa ibang bayan

Kultura Ekonomiya pang-araw araw pangkabuhayan
Sanay at hindi pinagkakahiya kailanman

Sa bawat pag-akyat ng mga tao sa kahusayan
Binibigyan natin karangalan at kapurihan ang ating minamahal sa bansa

TULA PARA SA KALIKASAN


“Buhay ng Buhay”
Tugmang Tula ni: Maria Yvonne S. Garcia

Ang kalikasan ang may hawak ng buhay
kayang maghiganti at kayang pumatay
kaya nitong sirain ang mga bahay
Tila isang pagsubok sa ating buhay

Ang mga puno ay kailangan diligan
Buong baha ay kaya nitong pigilan
Isda’y mamumuhay sa bawat tahanan
Dahil linis ng tubig ay makakamptan

Ang simoy ng hangin ay iyong damdamin
dahil ito’y maaaring magbago rin
kahit ito’y bigyan mo ng iyong pansin
hindi na mababalik ang damdamin

Ang buhay ay maikli kaya’t sulitin
kung dapat alagaan ay gawin natin
masusuklian ang mabuting gawain
at tayo’y mabubuhay ng taimtim
“Bahaghari
Tugmang tulani: Heinz Zaulda

Ating paligid na puno ng berde
Inang kalikasa’y nagbibigay swerte
Ating mundo’y dapat nating pangalagaan
Upang paghihirap ay di maranasan

Opinion ng iba ay atingpakinggan
Wag pailarin, dimakabasagpinggan
Sa atingmundongpuno ng ligaya
Tayona at sama- samangmagkaisa

Sa kapaligira’ytayo’ymakialam
Upangbagyo at dilubyo’y di magparamdam
Sa mundongwala ng natitirangpag-asa
Atingpatunayannatayo ay iisa.

Bigyangkula’yatingkapaligiran
Matutotayongmalinispaminsang-minsan
Dahilbakahindinaitomagtagal
Pagkat di itonaayos ng kay tagal.
“Kalikasan”
Tula ni: Kenneth Castel

Nakita na natin ang pag guho nito
Tatayo nalang ba tayo at tatanga
Kailngan na nating kumilos dito
Pa itoý maging maayos sa mata

Marami nang nasira nitong gulo
Gawin natin ang tama sa mali
Para sa duloý hindi tayo luluhod
Dahil alam natin ang tama sa mali

Ang puno ay putol na nabuwal at lanta
Ang tubig marumi lutang ang basura
Kelan ba ito mawawala dito
Bukas ba o sa pag gunaw na ng mundo
“Ang sirang Kalikasan”
Tula Ni: Renfred Rivera

Ang ating kalikasan ay sirang sira
Punong puno nang basura at kalat
Ang kalsada ay marumi at mabaho
Ang lawa ay may lumulubog na basura

Ang puno – putol na, nagubuwal at lanta
Ang tubig – marumi, lutang ang basura
Sirang sira ang ating istraktura
At ang ating daanan ay bitak na bitak

Dahil ang mga tao ay tamad
Magtatapon lang ng basura ng tama
Tinatapon nila ang dumi kahitsaan
Tinatapon sa lawa,dagat, at iba pa.

Sa lagkit ng putik, lugmok ang katawan
Ang ngayo’y ragasa sa sandaigdigan
At pilit tatabon sa tinig ng bayan
Na minsang nagsabi na sana’y umulan

“Hinaharap Ng Kalikasan Ng Pilipinas”
Tugmang Tula ni Russel Ramos

O kalikasan, ating pangalagain
Likas ng pinas, ating pakinabangin
Mga biyaya,ang diyos ang pinagmulan
Ginamit ng mahusay ng mamamayan

kumalat at dumumi ating paligid
Kayo’y tumingin sa ating mga paligid
Ang kalikasan ay sana bigya’y pansin
Upang maisalva ito’y solusyunin

Ang kalikasan’y, huwag papabayaan
Likas na yaman ay huwag sabuwatan
Pinoy,Kalikasan nating alagaan
Resulta nito ay kaligayahin

Ang kalikasan’y ating ipagmalaki
Bilang isang isang pilipinong lalaki
Ipaglakasloob ang ating kabuhayan
Likas ng pinas, aming kaligayahan

TULA PARA SA ISYUNG PANLIPUNAN

“Bayani ng Digmaan”
Tugmang tula ni: Maria Yvonne S. Garcia

Ano ba ang bayani para sa iyo?
Dapat ba silang pagtaasan ng noo?
Ang problema nila’y katulad ng bagyo
di mapigilan, masama ang epekto

Dugo’t pawis inalay kahit mahirap
Buong sundalo’y bulsang walang makapkap
Ang hangad nila ay buhay na masarap
Kailangan nila’y mahigpit na yakap

O bayan patawarin ninyo ko
wala akong magawa para sa iyo
Ipagdarasal ko ang buhay ng tao
Ililigtas ng Diyos kung may pagbabago

Bayaning sundalo maraming salamat
Inayos niyo ang bayan nating nagkalat
Pinigilan niyo ang nabubuong lamat

sa aming puno bayani kayong lahat

Trato?
Tugmang tula ni: Heinz Zaulda

Ang ating lipunan ay nasira na
Hindi na ata ito maiaayos pa
Iba’t ibang krimen ang laging hinahanap- hanap
Iba’t ibang krimen ang nangyayari

Tayo ngayo’y na sa kamay na bakal
Itinatrato tayo na parang askal
Lalong lalo na ang ating karapatan
Hindi nila ito pinapahalagaan

Dumarami na ating
Nasaan na ating pamahalaan
Mga hinaing sa inyo ay pakinggan
Hustisya sa mga namatayan

Sana ay mawala na ang mga gulo
Tratuhin kami ng katulad nila ng tao
Nasasaktan din sa mga away-away
Dahil lahat tayo ay damay-damay
“Isyung Panlipunan”
Tula ni: Kenneth Castel


Ayan na! ayan na! paparating sila
Dibdib koý kumakabog kabog sa kaba
Di alam kung ano ang dahilan nila
Tayoý magtago sa mga terorista


Masamang intension ang kanilang nais
Kahit tayoý may pagkain lang na mais
Pilipino namaý may pusong malinis
dinudumihan nila ang ating bihis
 

Negatibo ang maaaring dahilan
May inggit lang sa puso ang kung sinoman
Tayo ay di makahinga ng magaan
Huwag maingay! Maglakad ng dahan dahan


Terorista! Umalis na kayong lahat
Tila isang puting telang nagkalamat
Kamiý nag mamakaawa pero di sapat
Hindi mabawasan asa puso ang bigat
“Ang Isyu ng Pilipinas”
Tula ni: Renfred Rivera

Ang Pilipinas ay isang magandang bansa.
Mayroon itong magagandang kalsada.
Mayroon itong mababait na tao.
Kaso mayroon rin itong isyung bansa

Madami ang isyu ng Pilipinas.
At ang isa sa doon ay ang koruptsyon.
Ang koruptsyon ay nagpahirap ng tao.
At ito ang nagkakaroon ng hirap.

Mayroon ring isa pang isyu sa bansa
At ito ay terrorismo sa Mindanao
Ito ay pagpatay ng innosenteng tao
Ang maute ay ang pangalan ng grupo

At ang huli ay ang pag gamit ng droga
Ito ay isang illegal na gawain
Na ang mga inosente ay gumagamit
Upang mag relax at biglang pumatay
“Sakripisyo Para Sa Digmaan”
Malayang Tula ni Russel Ramos

Ang Kawal ay nahirapan at nasawi
Ang kanilang pangarap lamang umuwi
Mga pamilya’y nawalan mahal sa bahay
Rebelde’y hindi titigil kahit mamatay

Kawal nagbuwis ng kanilang buhay
Para sa bansa ang kanilang inialay
Pagpata’y hindi natin maiiwasan
Resulta ang pagwasak ng ating bansa

Mga pilipino, Halina’ bumangon
Sana hindi maapektuhan pati luzon
halina’t iparamdam ang pagmamahal
Ipakita natin,tayo ay marangal

Kinabukasan ng pinas bigyang pansin
Giyera sa Marawi ay ating lutasin
Mga batas na dapat ay maisulong
Upang ang kapwa’y naitn hindi makulong

TULA PARA SA MGA PANGARAP


“Lakas ng loob”
Tugmang tula ni: Maria Yvonne S. Garcia

Walang bayad ang ating mga pangarap
lakas ng loob lang sa hinaharap
dadaan ka din sa mga paghihirap
at ang ginhawa ay iyong malalanghap

Sakripisyo’y kailangan upang makamit
Damdamin ay ilabas at umawit
Huwag mahihiya kung ikaw ay maliit
Tignan mo ito kahit ikaw ay singkit

Ipagmalaki ang sarili sa iba
matutong tumayo sa sariling paa
Puso’y ibigay sa mga ginagawa
At iwasan ang bagay na masasama

Pangarap ay bituin mahirap abutin
Huwag hayaang manatili ‘tong mithiin
Ito ay paglaanan ng ‘yong pansin
TAGUMPAY! Sabay sabay nating sabihin
“Eroplano”
Tugmang tula ni: Heinz Zaulda

Pangarap na buhay aking aabutin
Patungo sa tagumpay na aking hiling
Laging nasa isip aking mga mithiin
Wag lang sana akong magkamali at maduling

Sa mundong parang nasaulap ang saya
Aking nadama walang tigil na ligaya
Sa mga pagsubok na aking hahanapin

Sa mga pangarap na nais kong maabot
Tungo sa lugar na aking gusto
Mga pangarap ko’y wag sanang magkasapot
Aking pagtitiyag’y malapit ng mahusto

Sa bawat hakbang tungo sa tagumpay
Tayo na at magbigay pugay
Sa mundong walang kasiguraduhan
Ating mga pangarap ay wag pagdudahan
“Pangarap”
Tula ni: Kenneth Castel

Isang pangarap ang nais kong makamit
Ito ay makapagtapos ng pag-aaral
Kahit ang pag-asa ko ay kay liit
Sisikapin ko akoý makakatapos sa huli

Mahirap man itong paniwalaan
Gagawin ko ang lahat para itoý makamtan
Mali bang mangarap ang batang tulad ko 
At nagsisikap maabot ang mithiin ko

Marami pa akong magagawa sa eskwela
Hintayin niyo lang akong makapagtapos ditto
aakyat din ako sa entablado
para doon matupad ang pangarap ko
“Ang Apat kong Pangarap”
Tula ni: Renfred Rivera

Nung bata pa ako, may pangarap ako.
Ang pangarap ko ay maging manluluto.
Dahil ako ay isang mahilig kumain.
At isa akong marunong manluluto.

Pangarap ko rin maging isang sundalo.
Upang ipaglaban ko ang aking bansa.
Papatunayan ko na ako'y malakas.
At mag sasakripisyo para sa pinas.

Gusto ko rin maging mabait na doktor
Dahil ang aking magulang ay doktor rin
Gusto ko rin tangalin ang mga sakit
Upang mapabuhay ang isang tao

Gusto ko rin maging malupet na pulis
Upang maihuli ko ang mga krimen
Para ang isang lugar ay may proteksyon
At ang mga tao ngayon ay protektado.
“Isa Lamang Ba Itong Pangarap”
Malayang Tula ni Russel Ramos

Simula Pagkabata ako’y nangarap
Aking paglaki makamit ang pangarap
Tulad ng pag-abot ng kuminang butin

Mapatunay nati’y merong pa-asa
Para mapakitang wagii sa masa
Ng makamit ito’y tayo’y magsilipad
PAtunay ay ang pangarap ay natupad

Pinaghihirapa’y hindi papabayain
Tentasyong na dumating huwag pairalin
Mga pamana’y huwag ipagkakait
Mga kaibiga’y tumulong ito’y makamit

Sa wakas abot na nati’y huling hakbang
Makatulong sana ang hinihingi lamang
Muli pilipino’y sana magtulungan
Ang mga pangarap ay huwag Kalimutan

TULA NA PANSARILI


---------------------------------------------------------------------------------------

“Pamilya Garcia”
Pansariling tula ni: Maria Yvonne S. Garcia

Ilalahad ko ang aking pamilya
ako ay masaya kapag kasama sila
sila ang pinakamagandang biyaya
na aking natanggap sa aking buhay

Ang tatay ko ay si Ruel Garcia
sa kanya ko nakuha ang aking mukha
Pinagmamalaki ko siya sa lahat
Siya ay iba dahil tatay ko siya

Ang nanay ko ay si Nerissa Garcia
Siya ay maliit ngunit masipag
Ipinagluluto niya ako tuwing umaga
at hindi niya ako hinahayaang magdusa

Isa lang ang aking kapatid
Siya ay si Yvette Garcia
makulit ngunit mahal ko siya
dahil nag-iisa siya at wala ng iba

Ako si Yvonne Garcia
wala na akong hinihiling pa
Mapasaya ko lang ang aking pamilya
Tila ako’y nasa langit na

--------------------------------------------------------------------------------------------
“Lasing
Malayang tula ni: Heinz Zaulda

Isang tagay para makalimutan ang lahat ng bagay
Tuloy tuloy ipinikit aking pusong naiwang lupaypay
Mga ngiting nating kay ganda, isang kalokohan lang pala
Ating mga pangarap, tila’y naglaho na parang isang bula.

Sa lahat ng mahal kita, itatagay hanggang mawala na
Lahat ng sakit at pait parang gin, ako’y nalulunod na.
Akala ko walang hanggang, bakit tayo na sa dulo?
Tinatanong ang sarili, paano tayo naka ganito?
Pangatlong tagay na, pero di pa rin nawawala

Ano ba ang ginawa, puso’y nagwawala
Ano bang meron siya na ako’y wala?
Ikaw lamang mahal, ngunit na wala
Para sayo sinta, isang tagay pa
At isa pa,
At isa pa,
At isa pa,
Hanggang
Makalimutan
Na kita
Hanggang sa
Matanggap kong tayo ay wala na.
Huling tagay na, pero mahal pa rin kita!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------
“Pansarili”
Tula ni: Kenneth Castel

Basketbol ang aking hilig
Hindi mapapalitan
Dahil ito ang bagay
Na nakakapag pasaya sa akin

Madaming tao sa mundo
Pero sarili ko lang ang iniisip ko
Hindi man ako perpekto
Basta’t magtatagumpay ako

------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Tungkol sa akin”
Tula ni: Renfred Rivera

Ako si Renfred Rivera
Ako ay labinglimang gulang
Nakatira sa Meycauayan Bulacan
At ako ay nagaaral sa SMCM

Ang aking pamilya ay mga Doktor
Ako ay may isang kapatid
Ang aking nanay ay isang doktor
At ang aking tatay ay isang doktor at buisnessman

Ako ay madaming pangarap
Isang marunong maglaro ng kahit anong laro
Ako ay mahilig maglaro ng Computer games
At ako ay hindi mahilig sa mga Tsokolate

---------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sigaw ng aking damdamin"
Malayang Tula ni Russel Ramos

Bawat bata meron responsibilidad
Inihahanda ang sarili sa kalikasan

Bawat desisyon ng kanilang ginawa
Ito’y maapektuhan ng kanilang hinaharap

Paghirap ang aming dinulot sa pag-aara;
Ang aming guro,kami’y ginabay

Determinasyon at tsaga ang kailangan
Sa huli ang sarap at tamis ng pagwagi

-----------------------------------------------------------------------------------------------

“Tag-tuyot”
Mula sa panulat ni: Maria Yvonne S. Garcia

Kahirapan! Isang isyung hindi malutas ng kung sinoman. Na parang tagtuyot na walang makuhang tubig ngunit alam natin na ang tubig ay isa sa pinakamahalagang bagay upang mabuhay.

Ano ang gagawin mo kung dumating ang tagtuyot sa buhay mo? Bilang isang estudyante at mamamayang Pilipino na naninirahan sa Pilipinas, ako ay naghahangad ng masaganang buhay. Ako ay nagsisikap upang hindi ako maghirap at sa pangarap kong ito, kasama ang aking pamilya. Hindi ko hahayaang dumating ang tagtuyot sa aking buhay. Dahil ang hirap maging mahirap. Sana ay maisip ng gobyerno na mas malaking biyaya ang kanilang makakamtan kung hindi sila masisislaw sa pera. Alam ko na hindi lahat ng nasa gobyerno at kurakot ngunit bakit hindi pa rin nila naaayos ang isyu ng kahirapan? Siguro ang iba’y nagpapanggap lamang at ang iba naman ay may balak pa lang. Tila mga isda ang mga mahihirap na naghahangad ng tubig sa tag-tuyot. Tayo ay mangarap at magsikap. Tayo ay magpasalamat dahil may sinag ng araw at buhos ng ulan ang dumadampi sa ating balat. Mas gustuhin nating bumuhos ang biyaya na gaya ng tubig na galling sa langit kaysa maubos na ang biyaya at makaramdam ng pait.

Simulan natin ang lahat  sa tamang pagboto ng mamamahala sa atin. Nasa atin ang solusyon at wala sa kanila. Ating pagkatandaan na tayo ang may hawak n gating kinabukasan at hindi hadlang ang tag-tuyot upang tayo at magsikap at makamit ang tagumpay.

Sinturon Ni Hudas
Mula sa akda ni: Heinz Zaulda

Ang terorismo ay isang gawin na nagsusulong ng radikal o rebolusyonaryong layunin sa pamamagitan ng marahas na paraan. Nagaganap sa loob ng bansa sa pagitan ng mga pinuno at pinamumunuan at maging anumang pangkat na naglalayong maghasik ng pananakot, lumabag sa karapatang pantao at kumitil ng buhay ng mga mamamayan.

Sa bawat pasahan ng bala ng mga Maute at ating magiging na sundalo maraming natatakot, nasasaktan at maraing namamatay. Ang dating tahimik na lugar ay ngayo’y kinakatakutan na. Subalit tayo ay lumalaban at nananatiling lumalaban para maibalik ang masayang lugar at maaliwalas. Sa panahong lumalaban ang ating mga sundalo, nag-dadasal at nananalangin ang kanilang pamilya na sana’y mabuhay at gabayan sila ng panginoon sa kanilang pakikipag-laban sa mga terorista. Unti-unti na tayong tumatayo sa pagka-dapa nating mga Pilipino ngunit unti-unti nawawasak ang ating bansa.

Sa aking opinion dapat nang matapos at matigil ang giyerang nagaganap sa Marawi. Ito’y napapasama lang sa ating mga kapwang Pilipino na nasa Marawi City na nadadamay lang sa gulong na gaganap. Sana’y hindi na ito mauulit pang muli dahil nakaka-awa ang mga taong nadadamay.

“SAGUPAAN”
Sanaysay ni: Kenneth Castel

 Ang isyung panlipunan ay napaka karaniwan na nangyayari sa ating bansa dahil marami nang isyu ang nakapaloob ditto sa atin lalo na sa ating gobyerno.

 Marami nang isyu ang kinakaharap ng pilipina tulad ng , EJK ( Extra judicial Killings.)
Atpb. Iba’t ibang uri ang kinakaharap natin isa pang halimbawa si duterte , dahil parang nagiging katulad na ng stratehiya ni marcos ang pamumuno ni President R. Duterte nang dahil ditto ang martial law ay unti unti nang napapatupad sa iba’t ibang lalawigan ng bansa marami nang nababahal sa atin dahit marami nang patayan na na nagaganap  dahit dito kailangan na nating maging handa sa anumang sagupaan na mangyayari dito sa ating bansa para mas paigtingin pa natin ang mga pagsasama ng kapwa nating Pilipino upang matapos na ang gulong ito sa atinng bansa.

“Ang pagkasira ng ekonomiya”
Sanaysay ni: Renfred Rivera

Ang koruptsyon ay isang mahirap na isyu sa buong mundo, at ito ay mahirap alisin. Ito ay nagpapahirap ng mga tao kaya nagkakaroon ng “poverty” sa Pilipinas.

Saan nga ba nagsimula ang koruptsyon? Sinond presidente ba ang nag simula? Para saakin ay si marcos. Si marcos ay ang unang presidente na mag deklara ng “Martial Law” at nagkaroon ng people power sa EDSA. Madami nga siyang pinatayo kaya gumanda ang pilipinas. Iniwanan nya ang resources ng pilipinas. Madaming gumawang pagpatay at pagrarpe. Madaming krimen na namatay dahil sa martial law kaya nagkaroon ng People Power dahil kay marcos.

May tao na natuwa at nagalit dahil sa ginawa ni marcos. Madaming natuwa dahil sa pagawa ng mga bagong estraktura. Madami ring nagalid tahil sa martial law at madaming nahirapan.

“Mahuli Ang Taya”
Itinakda ni Russel Ramos
  
Noong Hunyo 30, 2017, ideneklara na si “Rodrigo Duterte” bilang pangulo ng Pilipinas.
Ipinatupad niya ang kanyang pangako, na ipapatay o huhulihin ang mga “Drug Lords,Drug Users at Drug Pushers”.Pagkatapos ito’y ipanatupad niya.

Pagkalipas ng ilang araw halos kalahati ang mga drug pushers ay sumuko sa polisya at sila’y nangako na magbago ngunit sila’y ipakulong parin.Sa bagay, tama naman na sila’y matakot samaktuwid si pangulo Duterte ay seyoso sa “ Execution of Drugs” na kanyang ipinatupad.Dumaan ang ilang buwan nakita ang dipresiya sa lungsod sa kasulukuyan ngayon, pinakita ni Duterte ang kanyang inpluwensiya sa gobyerno bilang pangulo at tinupad ang pangako.Sa mga nahuli ng polisya sila’y ipinapatay at nilagyan ng karton malapit sa katawan,ito’y nakasulat na “huwag tularan pusher ako”.Ito’y pinapahiwatig nito,ang resulta ng drugs ay hindi makakabuti at kung ika’y na huli ika’y papatayin ng mabilisan.

Ngayon ito’y nalaman ninyo,ang bagong pangulo na si Duterte R. ng Pilipinas bilang isang pangulo hindi biro lamang.Ikaw? kung ika’y nagdrodroga ipagpapatuloy mo pa ba? kung ika’y hindi nagdrodroga, kung ika’y biniyanng droga magpapatentasyon ka ba?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Mag-ka-i-bi-gan noon, mag-ka-ibigan na ngayon”
Na akda ni: Maria Yvonne S. Garcia

Ito ay kwento  tungkol sa mag-asawang magkaibigan ngunit hindi nila alam na sila pala ang magkakatuluyan sa huli. Matutunghayan mo ang magkaibang kwento at kung paano sila nagkakilala sa bansang Taiwan. Ang mag-asawang ito ay nagngangalang Risa at Rugar.

Ito si Risa, isang simpleng babae, may maikling buhok, maliit, sakto lang ang kanyang pangangatawan, may mabuting puso at responsableng anak. Siya ay nakatira sa Cavite. Hindi sila kayamanan kung kaya’t siya ay nararapat magsikap. Walo silang magkakapatid at siya ang bunso at siya ay may kakambal na nagngangalang Nancy. Isang araw namalengke ang kanilang nanay Gayang. Pag uwi nito ay may dalang damit dahil malapit na ang kanilang kaarawan. Dahil uso sa palengke ang “3 for 100” tatlo lang ang nabili ng kanilang nanay Gayang dahil wala pa silang pera noong araw na iyon. Hindi nila alam kung kanino mapupunta ang isang damit kung kaya’t nag away sila. Isang Linggong hindi sila nagkibuan ngunit nagkusa na si Risa na lumapit kay Nancy. “Ate pasensya na, sige sa iyo nalang ang damit para sa ating Graduation may bago kang magamit” wika niya. Nagkaayos na ulit sila ni Risa at Nancy noong araw na iyon. Sabay na ulit sulang pumapasok sa school at natuto na silang magpatawaran. Habang sila ay nasa eskwelahan, sila ay nagkakwentuhan “Risa alam mo ba na may bago akong crush ang bait niya kasi at ang pogi” wika niya. “Talaga ate? Ano pangalan niya?” sagot naman ni Risa. “Si…… Ron” at laking gulat ni Risa dahil iyon ay ang matagal ng manliligaw ni Risa at dapat ay sasabihin na niya ito kay Nancy ngunit siya ay naunahan nito. Pero para din sa kapakanan nilang dalawa ay sinabi ito ni Risa. Hindi nagalit si Nancy dahil sila ay bata pa lamang at marami pa silang pagdadaanan sa buhay. Gagraduate na rin at magkakaiba na ang kanikanilang landas. Si Risa at Nancy at papasok sa isang factory dahil walang pampaaral ang kanilang magulang sa kolehiyo. Doon nakita ni Risa at nakilala si Dan. Inibig niya ito ng tunay. Sabay silang kumakain at nagsisimba tuwing Linggo. Sila ay tumagal ng isang taon ngunit si Risa ay sinasaktan na ni Dan. Hindi na ito nagustuhan ni Risa kahit na humihingi pa ng tawad si Dan. Siya ay nangibang bansa at doon magiiba ang kanyang buhay. Dito magsisimula sila Risa at Rugar.

Si Rugar at mula naman sa Bulacan. Hindi rin siya kayamanan ngunit siya at iba sa lahat. Lahat ng bagay ay kaya niyang gawin tulad ng paggawa ng sasakyan, TV, atbp. Siya rin ay magaling na basketball player at isang Taekwondo Champion. Siya ay nag-aaral sa isang sikat na paaralan. Siya at natataguyod ng maayos ng kanyang magulang dahil masagana ang kanilang negosyo. Si Rugar ay lapitin ng mga babae dahil siya ay gwapo at isang Corps Commander sa kanilang paaralan. Isang araw nagimbita ang kanyang mga magulang na si Helio at Ulay dahil ang kanyang Ate Lin ay nakapasa sa kanyang board exam at isang ganap na Doktor  na. Isang maliit lang na handaan ang naganap noon. Pagdating ng alas 10 ng umaga ay nagsidatingan na ang mga bisita. “Salamat po.” Tugon nila. Umupo ang mga bisita at hinanap nito ang mga anak nila Ulay at Helio. “Mga anak!!!” Sigaw ni aling Ulay. Unang lumabas si Rugar at laking gulat niya ng may makita siyang isang ubod ng gandang babae at Dyosa ito para sa kanya. Ito ay si Apple na anak ng kumara ng kanyang mga magulang. Hindi makagalaw at makapagsalita si Rugar na para bang nakita na niya ang para sa kanya. Sa dinami dami ng nagkakagusto at humahanga sa kanya ay ngayon pa lang siya nakadama ng ganito. “Ganito pala ang pakiramdam ng umibig” bulong niya sa kanyang sarili. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at tinanong niya ang pangalan nito. “Hi ako nga pala si Rugar” habang siya ay nakatingin na hindi maguhit ng kung sinoman. Hindi agad agad sumagot si Apple dahil para sa kanya ay mabilis ang pangyayari ngunit nakipagkaibigan siya. Inabot ng dalawang taon ang panliligaw at naging opisyal na magkasintahan sila. Inaya ni Rugar si Apple upang kumain “Mag-ccr lang ako ha?” sabi ni Apple, pumayag naman agad si Rugar. Naiwan ni Apple ang kanyang telepono sa mesa. Biglang may tumawag na lalaki at sinagot ito ni Rugar. “Mahal ko, Apple” sabi ng lalaki sa telepono at biglang dumating si Apple at humingi ng tawad dahil alam niya na nalaman na ni Rugar ang kanyang sikreto. “Pasensya na Apple pero kailangan na kitang iwan. Sana maging masaya kayong dalawa.” Wika ni Rugar at umalis itong nang umiiyak. Plinano ni Rugar na pagbutihan ang kanyang pag-aaral dahil matatapos na siya bilang isang nurse. Nang siya ay makapagtapos ay nag board exam siya at agad naman siyang pumasa. Agad siyang nagtungo papuntang Taiwan.
Pumasok siya sa Red Company kung saan nagtatrabaho si Risa. “Uy may bago tayong empleyado” Pagbubulungan nilang lahat. Hindi nagtagal ay naging matalik na magkaibigan si Risa at Rugar. Pareho silang bigo sa pag-ibig kung kaya’t nagkakasundo na sila sa mga bagay bagay. Nagkaroon sila ng grupo ng mga kaibigan na halo ang babae sa lalaki. Laging nagsasama sama ang grupo nila kahit saan magpunta. Naging Masaya ang buhay nila. Si Risa at Rugar ay nakalimot na sa mapait nilang karanasan noong sila ay nasa Pilipinas pa lamang. Paminsan minsa’y hindi na nakakasama sa grupo sina Risa at Rugar at hindi na rin sila naghihiwalay.
Nagugustuhan na nila ang isa’t isa ngunit hindi nila masabi dahil baka masira ang kanilang pagkakaibigan. Naguguluhan na sila at parang may nagbabago na sa kanilang kilos. Gusto nilang malaman ang ginagawa ng isa’t isa sa hindi malamang dahilan. Gusto na nilang umamin kung kaya’t tumawag si Rugar sa kaibigan ni Risa upang doon sabihin ngunit naliligo ito kung kaya;t si Risa ang nakasagot. “Hello Rugar” hindi nakasagot si Rugar. “Naliligo kasi si Regine kaya ako nalang sumagot” sabi ulit ni Risa. “Ah sige salamat, maaari ba kitang makausap ngayon? Magkita tayo sa lugar natin” Agad nagbihis si Risa at nagkita sila ni Rugar. “Uhmm…. Risa kasi.. Gusto na kita” wika ni Rugar na tila seryoso. “Matagal ko na rin tong tinatago dahil baka masira ang pagkakaibigan natin at natatakot akong magmahal at magtiwala ulit” sagot niya. “Huwag kang magalala hindi ako tulad nila.” Sila ay nagsimula ng bagong kwento sa kanilang buhay. Marami man silang pinagdaanan sa buhay hindi ito naging hadlang. Tama nga ang kasabihan na ‘Kung kayo, kayo talaga’ siguro ay kaya sila nasaktan noon ay mayroong magandang mangyayari ngayon, sa ngayon. Sila ay may dalawang anak na babae na tila kay babait at kay gaganda. Ang panganay ay kahawig ng kanyang ama na si Rugar at ang bunso ay hawig ng kanyang nanay na si Risa. Sila ay maginhawa na ang buhay sa ngayon at hindi hahayaang magbago pa ito. Sana ay ganito ang lahat ng tao, hindi dapat agad agad sumusuko kung may nangyaring masama o hindi maganda sa nakaraan. Maging Inspirasyon at Aral sa atin ang kwentong “Mag-ka-i-bi-gan noon, Mag-ka-ibigan na ngayon”


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Sulat para kay nanay”
Ni: Heinz Zaulda
“Nay salamat sa lahat ng iyong sakripisyo. Sa pag-aalaga sa akin at sa palaging pagtindi sa akin. Pasensya na nay kung di ako naging mabuting anak para sayo ngunit ginagawa ko ang aking makakaya upang ako’y maging mabutin at maging mabait na anak.” Sulat ko ito para sa aking nanay at humihingi ng tawad at pasasalamat. “Tayong dalawa nalang ngayon nay pero sana wag mo na akong iwan sa mundong ibabaw. Ikaw nalang ang kinukuhanan ng lakas ngayon pero paano kung ika’y mawawala na? Paano na ako?” Dugtong ko. Habang binabasa niya ito unti-unting tumutulo ang kanyang luha, kumatok ang nurse sa aming kwarto at ito ‘y nagpaalam na tuturukan muli ang kamay ng ina. “Kung pwedeng ako nalang ang turukan at masaktan gagawin ko.” Sinabi ko kay nanay habang nakahawak siya sa aking kamay. “Ngunit kung ikaw ay napapagod na at nasasakatan, sige na nay magpahinga ka na sana tandaan mo palagi na mahal na mahal kita palagi ka nasa isip at puso. Mahal na mahal kita kung saan ka man mapunta nay sana gabayan mo ako palagi at magiingat ka palagi.” Ito ang aking huling sinabi sa aking nanay. Nang matapos siya ako’y kanyang tinawag at ako’y niyakap. Pagkatapos ng mga nangyari siya’y pinagpahinga ng kanyang doktor.
Kinabukasan, ako’y nagpaalam sa aking nanay na kukuha muna ako ng aming damit para sa susunod na araw at siya’y ngumiti nalang. Wala akong kaalam-alam na siya’y lalong humihina na, Pinabantay ko muna sa nurse ang aking nanay at nagpaalam. Nang ako’y nakarating sa aming bahay at nag-ayos ng aming damit biglang tumawag ang doktor ng aking nanay at sinabing “Pumanaw na ang iyong nanay” Ako’y nagmadali para makapunta sa ospital kung saan naroon ang aking ina. Biglang nanghina ang aking katawan at nadurog ang aking puso. “Nay paalam, sana’y naging Masaya ka kung nasan ka man.” Ayan ang bulong ko sa aking nanay. Kinausap ako ng doktor “Ang iyong nanay ay may kinakausap habang siya’y natutulog” “Ano sinasabi niya dok?” Sagot ko. May nakikita na siyang liwanag at sinasabing gabayan daw ang kanyang nag-iisang anak.” Sagot ng doktor. Nang matapos ang burol ng nanay ay inilibing na siya agad halos di ko lubhang inaasahan na wala na siya; Marami ring nagulat sa pagkamatay ng aking nanay dahil siya’y maagang binawi ng Diyos. Pagkatapos ng libing ni nanay ay umuwi ako agad para makapag-pahinga. Hindi ako makatulog ng maayos dahil iniisip ko pa rin si nanay. Naaalala ko dati sinasalubong ako ni nanay noong galling ako sa eskwelahan at sinasalubong din ng mga halik at yakap. Miss na kita nay.” Bulong ko habang umiiyak. Tinitignan ko nalang ang mga larawan namin ni nanay, di ko pa rin tanggap na wala ka na. Ang hirap pala nay, yung ako na yung may responsibilidad sa sarili ko. At dahil hindi ako makatulog naisipan kong magligpit ng mga damit ni nanay nang may nakita akong sulat. Ito’y ika-6  ng Agosto 2011. “Anak, mahal na mahal kita. Mag-iingat ka palagi at magdadasal ka sa Diyos. Nung wala ka naisipan kong magpatingin dahil sa nararamdaman kong sakit. Nung nakuha ko ang resulta, may cancer na ako. Pero kahit maaga akong kunin ng Panginoon atleast diba nak doon ako sa kamay niya mapupunta? Gagabayan kita palagi at mag-aaral ka palagi. Wag kang panghihinaan ng loob kung sakaling ako’y mawawala na. Tandaan mo palagi na mahal na mahal na mahal ka ni nanay at palagi kitang gagabayan.” Ang laman ng sulat ng aking nanay. Di ko inaasahang matagal nap ala yung sakit ni nanay, kung sana’y maaga kong nalaman yung karamdaman niya sana naagapan pa yung sakit niya. Sana kasama ko pa rin siya. Sana Masaya pa rin kaming dalawa. Ang kasama ng sulat na yun ay ang isang Bankbook na may nakaipit na isang sulat na ito’y para sa aking pag-aaral. Bakit parang pinaghahandaan ni nanay yung pagkawala niya sa mundo? Salamat nanay dahil kahit wala ka na nandito pa rin yung pagiging nanay mo sa akin. Pagkatapos kong magayos ng damit ni nanay at natulog na oara sa pagpasok ko bukas.
Unang araw n gaming klase ngayon. Pinakamataas pa rin ako at ako’y kabilang sa mga honor students. Naaalala ko na ipinangako ko kay nanay iyon. Hindi ko papakuin yung. Ako’y nagpakilala sa aming klase. “Magandang umaga sa inyo! Ako si Zenia Salazar 18 years old na.” “Ano ang pangalan ng mga magulang?” Tanong ng aking guro. Ang pangalan ng aking nanay ay Theresse Salazar at yung tatay ko po ay hindi ko nakilala. “Anong trabaho ng iyong nanay?” tanong niya muli. “Wala na po siya Ma’am pumanaw na.” “Ay ganun ba? Pasensya na anak” sabi niya. Nang matapos ang aming klase ay dinalaw ko si nanay. “Nay alam mo bang unang araw naming? Ang saya kasi nay mas Masaya siguro kung kaharap kita, nagku-kwento ulit tungkol sa nangyari sa ating dalawa, Sayo nay kamusta ka na dyan? Kasama mo na ba si God?” ang kwento ko sa kanya. Mahal na mahal kita nay.
Sunod sunod na ang mga nangyari nang bumisita ang kapatid ni nanay na si tita Deanne na may kasama na lalaki. “Good morning iha!” Bati ng aking tita. “Good morning din tita, pasok po kayo. Ano po ang gusto niyong inumin?” panimula ko. “Tubig nalang iha” sagot niya. Kumuha ako ng tubig para sa kanila ng kasama niya. “Sino po kasama mo tita?” tanong ko. “Iha, siya ang iyong tunay na tatay, si Carlos Espinosa” sagot ng aking tita. Wala na akong masabi at nagulat nalang. “Anak” tawag niya. Ilang ulit niya akong tinatawag ngunit nakatulala parin ako. Kinalabit ako ni tita upang magising sa aking imahinasyon. “Ay bakit po?” ayan nalang ang nasabi ko sa kanila. “Mag-usap muna kayo ng tatay mo” sabi ni tita. “Kamusta ka na?” panimula niya. Hindi na naman ako nakasagot dahil ang dami kong tanong sa kanya, yung mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit niya kami iniwan. May konting galit din sa puso ko pero ano gagawin ko? Tatay ko siya. “Bakit nawala ka ng matagal? Bakit mo kami iniwan? Bakit nandito ka? Naaawa ka bas akin? Yan nalang ang mga tanong ko sa kanya. “Alam kong galit ka sakin anak. Hindi ko gustong mangyaring iwan kayo ng nanay mo pero kailangan” paliwanag niya. “Anong dahilan na naman yan?” mahinahon kong tanong muli sa kanya. “Kailangan may ipagmalaki ako sa pamilya ng nanay mo, kailangan kong mabuhay ko kayo.” Sabi niya muli. Pagkatapos nun ay niyakap niya ako at humingi ng tawad. Wala na akong magagawa kundi patawarin siya. “Anak pasensya na sa lahat, kung ngayon lang ako dumating. Yung mga araw na kailangan mo ako o ninyo ng iyong nanay.” Sabi ni tatay. “Tay okay na yun. Atleast ngayon kasama na kita. Matutuwa si nanay kapag dinalaw natin siya.” Tuwang sabi ko sa kanya. Papunta kami ngayon kay nanay. “Hi nay! Hulaan mo kung sino kasama ko ngayon!” masayang batik o kay nanay. “Nay, si tatay nga pala. Oo nay bumalik siya sa atin.” Dugtong ko. “Kamusta ka na diyan?” tanong ni tatay habang umiiyak. Iniwan ko muna si tatay at nagikot-ikot muna. Nang makarating ako sa isang simabahan. “Lord salamat po sa lahat ah, salamat dahil ginagabayan mo ako palagi at ngayon nakilala ko ang aking tatay. At sana po Lord ingatan niyo po si nanay diyan ah! Paki sabi na Masaya kami ni tatay ngayon, at sana siya rin. Sana po Panginoon patuloy mo po kaming gabayan ni tatay. Amen!” nakita ko si tatay na nakaluhod at umiiyak. Siguro nagpapasalamat rin siya sa mga nangyayari ngayon.
Matagal na rin kaming magkasama ni tatay, ditto na rin siya natutulog o minsan sa kanila upang makilala ko rin ang aking lolo at lola at aking mga pinsan. Masaya ang pakikitungo nila sa akin at sana patuloy-tuloy na rin ito. Araw-araw rin naming dinadalaw si nanay at doon kumakain. Kinukwentuhan naming si nanay tungkol sa mga nangyari sa amin ngayong araw.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
PLAYSTATION AT ANG MGA BALA
Bata pa lamang ako ay pamilyar na ako sa tinatawag na playstation sapagkat, nakikita ko itong nilalaro ng aking ama. Ngunit, dumaan ang panahon na nahilig akong maglaro sa labas dahil sino nga naman ang hindi nakaranas nun? Marahil may iba ngunit ang aking ipinararating ay ang pagkahilig ko sa playstation nang lumalaki na ako. Noon playstation portable (psp) at gameboy ang hilig ko lamang dahil ang ang panahon noon ay ang panahon kung saan nag mga bata’y namumulat na sa teknolohiya. Sa aking perspektibo, sa kalagitnaan ng aking paglaki nagsimula ang makabagong panahon. Makabagong panahon kung saan lumaganap ang inobasyon ng mga gamit, lalo na sa usapang teknolohiya.
Ito na nga, ako ay nahilig na sa playstation mula nang makuha ko ito mula sa aking lola nang bilhin ang isang telebisyon na may kasama na pala nito, ang kauna-unahan kong playstation. Labing tatlong gulang ako noon. Natural na ako ay matuwa sa anuman ang pwede kong magawa, o malaro dito. Sa una ay kinapa ang bagong gadyet, kinalikot ang kontroler, at nagtiyaga sa isang bala pero ‘di kalaunan ay natuto na rin at nagpabili ng bagong bala. Isa sa mga paborito ko ang larong Grand Theft Auto (GTA) sapagkat malaya mong magagamit ang karakter kahit may mga condition na dapat sundin, pupwedeng magmaneho ng kotse, pumunta kung saan saan, ipasyal ang karakter, magpagupit, bumili ng damit, kumain, na katulad ng isang ordinaryong tao ngunit may mga kinakailangan tapusin na kakaibang misyon, napakaganda rin  ng graphics at interface sapagkat nakaka-engganyo maglaro at madaling matutunan. Summer 2013 walang ginawa kundi mag-playstation maghapon magdamag, ultimo umaga ay gigising para maglaro. Lumipas ang panahon nakapaglaro ako ng iba’t ibang bala, partikular na ang NBA, nakikipaglaro sa kasama ang mga kaibigan, mga masasayang araw. Mga panahong nagkaroon ng bagong bersyon ang NBA at GTA, kaya naman ako ay ‘di na nagpaligoy-ligoy pa at nagpabili. Mas nagustuhan ko mga bersyong ito dahil lalong gumanda ang graphics at may tatlong magkakakonektang karakter na na pupwedeng gamitin isa-isa. IIkot lamang tayo sa aking paglalaro, umaga, tanghali, gabi, kasama ang mga kaibigan, iba’t ibang bala hanggang sa nasira ang isa sa mga paborito ko, ang bagong bersyon ng GTA. Kaya naman nung pasko ay hindi ako nagdalawang isip na magpabili muli. Dumaan ang ilang buwan at nasira na naman, hindi ko malaman kung ang playstation ba ang problema o ang bala? Hindi na ako nagpabili at naglaro na lamang ng ibang bala. September 2016 kaarawan ko ng araw ng ika-dalawampu’t dalawa at nagkaroon ng bagong beryson naman ang playstation. Ano pa nga ba? Ito ang hiningi ko dahil may mga bagong bala rin na interesado akong laruin.  Isang taon na paglalaro at nakaranas ng iba’t ibang uri ng laro, kasama ang mga kaibigan, o kamag-anak, o kahit mag-isa. Hindi maiiwasan ang pagka-irita sa pagkatalo, parte ito ng paglalaro. Matapos ang isang taon, nitong nakaraang Setyembre ay nakuha ko ang NBA 2K18 bilang regalo ng aking tito. Lahat ng bagong bersyon masasabi kong mas nagugustuhan at inaabang-abangan ko talaga. Playstation ang naging daan upang maranasan ko ang saya ng paglalaro, hindi pa tapos ang istorya sapagkat marami pang oras at darating, may mga bagong bersyon pa ang lalabas.


------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Ang pangarap ko'y nagkatutoo”
Sa akda ni: Renfred Rivera

Ako si Renny. Ako ay labing limang gulang, ako ay ikasampung baita, nakatira sa Meycauayan Bulacan, at isang marunong at magaling maglaro ng CSGO. Sa edad kong labing lima na magaling maglaro ng CSGO, mayroon akong malaking pagkakataon na maging isang propesyunal manlalaro ng CSGO. Dahil ang mga propesyunal manlalarong edad ay dalawangput taon hanggang tatlongput taon. Kaso, hindi ako sinusuportahan nang aking magulang.

Nang naglalaro ako ng CSGO sa aking bahay, iniisip nang aking magulang na ako ay isang adikto sa paglalaro ng CSGO. Hindi ako adikto sa paglalaro, ako ay nagprapraktis upang ang aking pangarap ay maitupad ko. Kinabukasan, nawala ang aking PC at sinabihan ako ng aking magulang na tigilan muna ang paglalaro. Ako ay nakaramdam ng kalungkutan at iniisip ko na ano ang mangyayare sa pangarap ko. Nakaisip ako ng ideya na pano ulit ako makakalaro ng CSGO, ang ginawa ko ay ang baon na binibigay sakin pang eskwela ay hindi ko ginagastos upang makalaro sa isang privadong computer shop araw-araw. Nang naglalaro ako, ininbitado ako ng isang grupong manlalaro na nilalaman sila Louie,Shon,Jeyms, at si Iman. Kami ay naglalaro ng CSGO simula alas tres ng hapon hanggang alas quatro ng gabi. Nang nalaman ng aking magulang na ako'y naglalaro sa Computer shop, ang aking magulang ay kinausap ang may ari ng computer shop at sinabihan na ipagbawal ako maglaro. Ako'y nalungkot,nagalit at walang magawa kundi matulog. Nakalipas na ng tatlong buwan na walang praktis, at ako'y nawalan ng lakas at galing sa paglalaro. Naawa ang aking tatay dahil sa kalungkutan ko, kaya kinausap niya ang may ari na puwede na ako maglaro. Naglaro ako ng CSGO ng labing dalawang oras araw-araw at biglang tinawagan ako ni Louie at sinabihan ako na may isang kumpetisyon na magaganap sa Meycauayan sa susunod na linggo, hindi ako pumayag na ako'y sasali dahil ako ay nawalan ng lakas at galing, kaso pinipilit ako nila Louie at ni Jeyms dahil keylangan nila ako, pumayag ako at nag praktis ng buong araw. Nakalipas na ng isang linggo at ang kumpetisyon ay magaganap palang. Nagkita kami ni Louie,Jeums,Iman, at ni Shon sa kumpetisyon. Ang aking pakiramdam ay kinakabahan at nasasabik, naghintay kami ng masimulang ang kumpetisyon, at nakita namin ang mga makakalaban namin, sila ay puro matataba, at ang edad nila ay labingsiyam gulang hanggang dalawmpung taon. Nang pumipili na ang “host” na sino sino ang unag magkakalaban, nagulat ako dahil ang unang makakalaban namin ay mga matataas na ranggo. Ako'y nawalan ng tiwala sa sarili na kaya ko silang talunin. Nagsimula na ang laban, ang kapitan namin si Louie ay nagsabing “Kaya natin ito, kung gusto mo ipakita sa kanila ang iyong lakas, ipakita mo!” Sinundan ko si Louie at nagkaroon akong tiwala sakanya. Habang naglalaro kami, ang aming puntos ay wala pa lamang at ang kanila ay tatlo, nakalipas na ng isang oras, at hinabulan namin ang iskor. Ang puntos namin ay labinglima at ang kanila ay walo. Natuwa ako at hindi makapaniwala na tinalo namin sila at itinuloy naming ang paglalaro, hanggang nakaabot kami sa Finals, at nanalo kami sa Finals. Binigyan kami ng Limang libo bawat koponan, certificate sa pagiging champion, at itinuturing kaming representative ng Meycauayan. Nakalipas na ng dalawang taon, biglang sina Jeyms at si Iman ay nangproproblema dahil sa aming koponan, kami ay nagaway dahil sa paghihiwalay nina Jeyms at ni Iman. Kami ni Louie at ni Shon ay hirap na hirap sa paghahanap ng bagong manlalaro upang maituloy ang paglalakbay namin na pagiging isang propesyunal manlalaro, nakahanap kami ng dalawang manlalaro na sina Chase, at si Gio. Kami ay nagpraktis ng isang laro upang tiyakin kung kami ay naglalaro bilang isang koponan. Nabalitaan kami na ang dating manlalaro namin na sila Jeyms at si Iman, ay nakabuo na ng isang koponan at sila ay sumali sa isang kumpetisyon na tinatawag “Manila Masters”. Ito ay isang napakalaking kaganapan, na madaming tao ay manunood at makipagsaya, ito ring kumpetisyon na makakalaban mo ang pinakamalakas at magaling maglaro ng CSGO sa Pilipinas ay ang “Mineski”. Sumali kami at ito ay magaganap at masisimulan sa susunod na buwan. Kami ay nagpraktis simulang alasyete ng umaga hanggang alasinko ng gabi araw-araw. Nakalipas na ng isang buwan at itong kumpetisyon ay magaganap na sa MOA Arena. Nang nagaganap na ang kumpetisyon, pinilian kami na makipaglaban sa aming dating manlalaro, sina Jeyms at si Iman, masama ang tingin namin sakanila dahil sa nangyare nakaraan, kaya ito ay nagsimula ang unang laban namin at si louie  ay nasabing “Patunayan natin sa kanila na hindi tayo ang problema nila, at patunayan natin na tayo ay malakas kesa sa kanila!” Sinimulan na namin ang laban, at nakalipas na ng isang oras, ang puntos namin ay labing lima at ang kanila ay labing apat, isang puntos lamang para kami ay mananalo. Kung sila ay naka isang puntos ito ay magkakaroon ng “Overtime Match”. Nagsimula na ang huling laban sa laro naito, at kami ay muntikan matalo at biglang sumigaw si Louie. Nagdabog si Jeyms sa pagkatalo niya at umalis sa kinaroroonan. Tuloy tuloy ang aming paglalaro hanggang nakaabot kami sa Finals na ang makakalban namin ay ang “Mineski”. Ako ay kinakabahan, dahil ang iniisip ko, kung ako'y natalo, hindi ko na mitutuloy ang aking pangarap. Nagsimula na ang laro, at kami ay sumigaw ng “Kaya natin ito!”. Habang ako'y naglalaro, kinakabahan ako. Nakalipas na ng isang oras at ang aming puntos ay walo ang kanila ay labinglima. Kami ay nalungkot dahil isang puntos nalang, matatalo na kami. Ang sabi ni louie 'Kung gusto mo talaga maging champion, labas mo ang iyong lakas, kaya tayo ay natatalo, dahil hindo mo pa ginagamit ang lakas mo.”. Binigyan ako ni louie ng tiwala kaya ako'y nagseryoso at itinuloy ko ang laro. Nakalipas na ng tatlongput minuto, at hinabulan namin ang puntos nila at kami ay nagkaroon ng isang “Overtime Match”. Naka puntos kami ng tatlo at nanalo kami. Sumigaw si louie ng “Sa wakas!”, at ako'y nakaupo habang umiiyak na may saya. Binigyan kami ng isang milyong pesos, isang trophy, binigyan kami ng certificate sa pagiging pinakamalakas sa pilipinas. Itinuturi akong “MVP” sa kumpetisyon at isang “Youngest Champion”. Tuloy tuloy ang aming paglalakbay hanggang makarating at sumali sa “Asia Major”,”Europe Major”, at ang “World's Major Esports”. Nanalo kami sa tatlong itinukoy kong kumpetisyon at itinuturi ako na ako ay  “#1 Player in 2021” at ininterview ako ng isang tao tungkol sa buhay ko, at ang sinabi ko... ang nakaraan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Tumatagingting ng Teknolohiya”
Itinakda ni Russel Ramos

Isang araw malapit sa isang bukid ng kabuntukan,may dalawang magkapatid na nagnanais makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng magandang degree sa kolehiyo. kinikilala ang dalawang magkapatid sa pangalan na si Stein,ang panganay na kapatid at si Albert ang pangalawa.Pero sa samakatuwid kasama sila sa mahirap na pamilya, pero ang magkapatid di nag paapekto sa kanilang sitwasyon kung di sila'y nagtulungan sa kanlang pamilya at pag-aaral para sila'y makapagtapos at makahanap ng hanap buhay.Ngunit sa kabilang palad may isang anak ng mayaman na nakukuha ang kanyang gusto kahit hindi nito kailangan.kinikilala siya sa pangalang Victor.Kinikilala silangang tatlo ay mga henyo ng "Engineering",ngunit si Victor at ang magkapatid hindi namamalayan na sila'y magkakatagpuan sa iisang kolehiyo ng kanilang papasukan.Dumaan ang ilang taon sila'y tumanda at papasok na sa kanilang kolehiyo,dito na nagsisimula ang kwento ng magkapatid at paano sila'y kinalala na henyo ng "Teknolohiya".sa kanilang pagkapasok sa eskwela sil'y naghanda at nag-ayos ng kadamitan.Samatalang si Victor ay gulo-gulo ang buhok at walang pake sa kanyang itsura.Isa't isa sila nagkakilala at sa unang tingin palang ni Victor ay hindi silangmagkakasundo ng magkapatid,ang dahilan nito ay dahil sa nalaman nila na iskolar ang magkapatid.Sa bagay, kahit henyo itong si Victor di itong makakatanggap ng iskolar dahil sa angking katamaran nito sa pag-aaral,tinuturing nito parang laro at hindi sineseryoso ang pag-aaral.Ngayo'y nagsidaan ang ilang mga buwan, nagkataonna magkagroupo ang magkapatid at si Victor para sa isang importanteng proyekto na kailagan nilang matapos at mapasa bago ang "deadline".Sina Stein at Albert ay nag tutulungan matapos ang kanilang proyekto samantalang si Victor ay natutulog lamang sa kanyang puwesto, Dahil doon hindi nakapag timpi ang magkapatid at sila'y nag reklamo.Napagsabihan nito ng guro at siya's napilitan gumawa ng proyekto.Ngayon ginagawa ng tatlo ang kanilang proyekto ngunit hindi sila makatapos sa kanilang gagawin dahil sa hindi pagkakasundo ng talto,at dahil dito sila'y nahirapan at nabawasan sila ng puntos. Si victor ay lalong na galit sa dalawa. pero hindi nalang sila nag pansinan para makatapos ang proyekto. Ngunit hindi ito nag tatapos dahil nakatanim ng galit sa kalooban si Victor.Ito'y nakapag-isip ng paraan para siya'y makabawi sa dalawa.Ito'y sa paraan ng papapag-ayaw sa dalawang magkapatid. Susunod na araw, sumiilalim ang pinaplano ni Victor, ang ang kanyang balak sa dalawa ay pag-awayin ang isa't isa. Ngunit nakadaan ito ng isang problema, ano anggagawing paraan para sila'y mag-away?Ang dahilan nito kaya't nahihirapan makahanap ng paraan kasi ang magkapatid ay halos hindi o talagang hindi nag-aaway ang dalawa.Habang si Victor ay nagahahanap ng paraan,ang magkapatid ay pinagpatuloy ang pag-aaral at pagsisipag pamahala ang financial ng kanilang pamilya.pero isang araw duamating ang panahon na nagkaroon ng hindi pagkakasundo ng magkapatid at ang dahilan sa pag-aaway ay para lamang sa isang babaeng napabighani sa magkapatid at sila'y diretsyong na baliw sa pagmamahal ang dalawa sa babaeng kinikilala sa panglang "Julie".Si Julie ay isang mag-aaral sa kolehiyo kaparehas ng eskwela ng magkapatid at Victor ngunit sa ibang kursoang kinukuha nito,ang kurso ng tatlong lalaki ay "Electronic Engineering" para magingsakto,samantalang si Julie,ang kurso niya ay "Accountancy".Kaya't itong problematumagal at ito'y umabot sa eskwela at nalaman nito ni Victor at syempre itong problemang ito'y magagamit ni Victor sa kanyang plano.Naging epektp ng pag-aaway nina Albert at Stein ang madalas nag-aaway sa isang babae.Dumaan ang ilang araw at sila ay hindi nagpapansinan, ang dalawang henyo sa Engineering, masisira na ba ang kanilang relasyon dahil lamang sa isang babae?Lumipas ang isang buwan, ang problema ng magkapatid hindi pa malutas.Lalong itong lumala dahil sa pagugulo ni Victor.Si Victor lumapit sa magkapatid isa't isa.Ang palno nito ay tulungan ang isa at pagkatapos ang kabilang dulo naman.Nagsimula na ito,ang plano makakuha ng kanialng babang mianamahal, malalapasan ba nilang pagsubok at pagtutukso ni Victor? Tumagal ng ilang arawito, ginawa ng dalawa ang lahat ng kanilang kayang gawin para mapaakit si Julie.Ngunit ang resulta ng dalawang magkaptid ay nasa "stalemate" pa lamang.Ngunit hangga't sila'y nag-aaway ang kanilang pamilya'y nag-aalala dahil sa sitwasyon ng dalawa.Pagkadating ng dalawa sa bahay nadatnan ng kanilang magulang na hindi parin sila nagkakasundoat sila'y sa wakas kinausap na ng kanilang mga magulang at na kwento ang buong sitwasyon sa kanila.Nung araw na yun nag-usap sina Albert at Stein at napagtanto nila na tigilinna ang pag-aaway nila at bumalik sa dati nilang buhay.Sa susunod na araw,Ipagpatuloy ni Victor ang kanyang plano ngunit hindi niya nalalaman ang pag-bati nina Albert at Stein.KAya't ang ginawa ng magkapatid ay layuan at iwasan si Victor.Nagresulta nito ay ang pag-kagalitat pag-kainis niya.Si Victor ay nagiisip ng ibang kurso ay pagpapatuloy ng kanyang plano.Ang plano nito ay pagdadamay ng minamahal ng dalawa,si Julie.Sa sunod na araw,kinausap si Stein, nagtaka at nagugol ang dalawa sapagkat si Julie mismo lumapit pero natural ang reaksyonni Albert na maramdaman ang ingit. Ngunit kinausap lamang siya isang proyekto, at pagbalik ni Stein, ang istura ni Albert ay parang nakatingin sa mortal na kaaway at natakot si Stein. tinanong at nag-usap bakit siya'y nagwagi. Sinabukan muli ni Stein kausapin ang kanyang kapatid at ipaliwanag sa kanya ang mali pagkakaunawa ni Albert.Sa kanilang pag-uwi sinubukan ni Stein kausapin si Albert at nalaman niya'y ang kanayang pagkakamali at humingi ng pasensya sa kanyang kapatid.Nangako tuloy silang dalawa isang-tabi ang kanilang nararamdamansa iisang babae at ipagpatuloy ang pagtatapos ng pag-aaral.Dumaan ang ilang taon,nakapagtapos na sila lahat kasama rito si Victor na may sertipiko ng pagtapos ngunit hindi maganda ang kanyang mga alok ng kumpanya,si Julie ay nakakuha ng trabaho sa kumpanya na matagal na niya pinapangarap,at sa huli sina Stein at Albert namannakapagtapos ng kolehiyo na may kahanga-hangang grado at sertipiko bilang mahusay na mag-aaral sa kanilang dalawa.Lumipas ang isang taon,ngayo'y kinikilala na ngayon ang magkapatid bilang "Mga Apo ng Teknolohiya".Sa pagkat ang dalawang magkapatid ay hindi lamang ordinaryong Tekniko kung hindi mahusay na nakagawa ng Teknolohiya na nagdala sa sangkatauhan sa panibagong pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------











































Mga Komento